HALOS isang libong katao o 160 pamilya na ang inilikas ng lokal na pamahalaan ng Agoncillo sa lalawigan ng Batangas,kaugnay ng pagputok ng Bulkang Taal kaninang umaga.
Nanatili na sa evacuation centers ang nasa 800 hanggang 900 na katao sa 5 eskwelahan at 1 covered court ang mga residenteng nasa apektadong barangay ng gulod,Buso-Buso at easter portion ng Bugaan East.
Inihahanda na rin ang National Disaster Risk Reduction Manangement Council (NDRRMC) sa kanilang susunod na hakbang habang ang Office of Civil Defense (OCD) naman ay naglaan na nang window hours mula alas-8 ng umaga hanggang alas 2 ng hapon na mapakain ang mga alagang hayop at mag-ani ng mga naiwang pananim sa kanilang lugar.