SINIBAK ni National Capital Region Police office (NCRPO) director PBGen.Melencio Nartatez ang hepe ng Navotas City Police na si PCol.allan Umipig at 22 pang pulis.
Kauganay nito ang aksyon na command responsibility makaraang maganap ang palpak na operasyon ng ng tauhan ni Umipig na nagresulta ng pagkamatay ng biktimang si Jemboy Baltazar .
Nabigo kasi silang magsumite ng paraffin test at hindi pagpapakita ng kaukulang pruweba o mga ebidensiya.
Ni-relieve din sina PCapt. Juanito C Arabejo ang officer-in-charge ng Station Investigation and Detective Management Section ng Navotas police at Chief Clerk nito na si PCMS Aurelito B Galvez dahil sa neglect of duty.
Nauna ng nirekomenda ang Philippine national Police Internal Affairs Service (IAS) na sibankin si Umpig dahil sa tangkang cover-up sa kaso
Lumabas sa imbestigasyon ng AIS na inutusan umano ni Umipig ang team leader na alisin ang kanilang report ang ilang pulis na kasama sa operasyon.
Kaya naman dito na sila sinampahan ng kasong dishonesty at command responsibility si Umipig.