
HULI ang isang High Value Individual (HVI) na may P816,000 hinihinalang shabu sa ikinasang drug bust ng mga operatiba noong Sabado l (HVI), sa isang drug bust sa Tayabas. ng umaga, Pebrero 9, 2024 sa Purok Masunurin, Brgy Isabang, Lungsod ng Tayabas.
Natukoy ang suspek na si alias “Nel”, 48 taong gulang ng Barangay Mamala 2, Sariaya, Quezon ng mga pinagsanib na Drug Units ng Quezon Police Provincial Office at Tayabas City Police Station sa koordinasyon ng PDEA 4A matapos na isang confidential informant .
Nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis na nakipag-transaksyon sa suspek gamit 1,000 pesos at 9,000 pesos na halaga ng boodle money bilang bayad para sa isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu.
Sa isinagawang operasyon ng mga operatiba narekober ang pitong (7) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, at isang asul na motorsiklo.
Tinatayang 40 gramo na nagkakahalaga ng P816,000.00 ang mga nakuhang ebidensyang droga mula sa suspek.
Sinabi ni Calabarzon Regional Director PBGen. Paul Kenneth T Lucas , Police Regional Office CALABARZON ay hindi titigil sa pagsasagawa ng mga operasyon upang labanan ang mga ilegal na droga sa rehiyon. “Walang tigil ang ating paglilinis sa ating mga kalye mula sa mga kasamaan na dala ng ilegal na aktibidad sa droga. Magpapatuloy ang ating pinaigting at pinalakas na operasyon laban sa salot na iligal na droga,” aniya.
Ang suspek ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article 2 ng RA 9165 at pansamantalang nakakulong sa Custodial Facility ng Tayabas City Police Station.