DINALA sa pagamutan ang nasa 145 katao ng makakain ng kontaminadong pansit na dumalo sa kasalan sa Talakag, Bukidnon.
Nakadama ng pananakit ng ulo , pagsusuka at pagtatae ang nasa isang daaan at apatnapu’t limang bisita at kamag-anak ang agad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan nitong Sabado ng hapon sa Sitio Calapat, Baranagy Tagbak , Talakag .
Ayon sa alkalde ng Lanpatan na si Ernie R. Devibar ang mga lubos na naapektuhan ay nagmula sa Sitio Kibuda sa Kinangay at kalapit lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon , hinala ng mga biktima ay posibleng naging sanhi ng mga sintomas ay nanggaling ito sa kanilang kinain na pansit na ibinalot sa plastic noong umaga pa lamang.
Kabilang sa biktimang isinugod sa pagamutan ay ang nagluto ng pansit.
Hinihintay pa ng mga doktor ang resulta ng laboratory ng toxicology sa nangyaring insidente.