GENERAL TRIAS — Umabot na sa 240, 577 residenteng kabilang sa iba’t ibang priority group ang nabakunahan kontra Covid-19 sa pagpapatuloy ng vaccination program ng pamahalaang lungsod.
Batay sa datos mula sa City Health Office, kabilang dito ang 217, 984 residenteng edad 18 pataas, at 22,593 katabaang edad 12 hanggang 17.
Sa kasalukuyan, mayroon pang 164, 505 dosis ng bakuna ang inaasahang maituturok ng pamahalaang lungsod sa mga susunod na araw.
Kabilang na dito ang mga bakunang gawa ng Sinovac, Sinopharm, AstraZeneca, Pfizer, Moderna, at Gamaleya.
Mula sa naturang bilang, mayroon pang 69, 628 doses ng bakuna ang nakatakdang iturok ng pamahalaang lungsod bilang paunang dose, habang 94, 877 doses naman para sa pangalawang dose.
Ayon sa CHO, maaaring hindi magtugma ang bilang ng available doses sa administered doses dahil mayroong mga brand ng bakuna ang maaaring makapagresulta sa 10 doses sa bawat vial.
Inaasahan naman ang lalong pagtaas ng Covid-19 vaccination rate sa lungsod ng General Trias matapos payagan na mag walk-in ang mga residenteng tatanggap ng unang dose at booster shots ng bakuna.
Samantala, patuloy ang registration para sa mga batang edad 12 hanggang 17 na nais magpabakuna. Maaari nilang isumite ang kanilang datos sa online registration form ng pamahalaang lungsod: https://generaltrias.gov.ph/covax/pedia