NADAGDAGAN ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Pebrero kaugnay ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.
Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo sa 6.4% ng kabuuang local manpower ang naghahanap pa rin ng trabaho, batay sa Labor Force Survey na pinangasiwaan ng naturang tanggapan ng gobyerno.
Ayon pa sa PSA, higit na marami ang nasabing bilang ng mga taong pumasok sa kategoryang “unemployed” noong buwan ng Pebrero kumpara sa 2.93 milyong naitala sa unang buwan ng taon.
Gayunpaman, mas mataas pa rin ang naturang bilang kumpara sa 8.8% (katumbas na 14.9 milyon) na naitala naman sa unang dalawang buwan ng nakalipas na taon, ayon kay PSA National Statistician Dennis Mapa.
Sa ilalim naman ng kategorya ng “underemployment,” nasa 14% (katumbas ng 6.38 milyon) na lang ang naitala ng PSA para sa buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon – bahagyang mababa kumpara sa 14% na naitala nitong buwan ng Enero.
Para kay Mapa, di hamak na mas Mabuti ang kalagayan nitong pangalawang buwan ng kasalukuyang taon kumpara sa 18.2% underemployment rate noong Pebrero 2021.