INARESTO ng mga pulis ang isang 24-anyos na lalaki na nahuling nagbebenta ng damo sa Antipolo City.
Sa ulat ni Rizal provincial police director Dominic Baccay kay Philippine National Police (PNP) regional director Antonio Yarra, kinilala ang suspek na si Jotello Robleza ng Lores Country Homes, Barangay San Roque ng nasabing lungsod.
Kumpiskado rin sa anti-illegal drugs operation na pinangunahan ni Lieutenant Daniel Solano ng Provincial Intelligence Unit ang hindi bababa sa kalahating kilong high-grade marijuana sa pag-iingat ng suspek. Sa tantya ng pulisya, aabot naman sa P750,000 ang halaga ngg nasamsam na drogang lantaran umanong ibinebenta sa Antipolo.
Ayon kay Provincial Drug Enforcement Unit chief Major Joel Custodio, ikinasa ang buy-bust operation makalipas ang ilang linggong surveillance kaugnay sa umano’y lantarang illegal na negosyo ng droga ng suspek na higit na kilala sa alyas nitong “Pabili Nga Po”.
Nahaharap naman sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Act ang suspek.