Iba’t Ibang aktibidad tampok sa 4th CityHood Anniversary ng Sto. Tomas, Batangas
Ni Maroe T. Genosa

(R) City Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan City Vice Mayor Catherine Jaurigue –Perez (L) Ginoong Tomasino Winners at Candidates
SINIMULAN na ang apat na araw na selebrasyon ng ika-apat na taong anibersaryo ng pagiging syudad ng Sto. Tomas, Batangas sa pamamagitan ng isang motorcade.
Ang selebrasyon ay may tema ngayong taon na “Fourward Together, Stronger Fourever.”Ang nasabing pagdiriwang ay isang testamento sa sama-samang pagsisikap at pangarap ng lahat na nag-ambag sa pagtawid mula sa isang bayan patungo sa isang ganap na lungsod.
Mahigit 700 indibidwal ang nagsalo-salo sa isang boodle fight na ginanap sa City Evacuation Center. Pagsalo-salong nagbibigay diin sa pakiki-pagkaibigan, pagkakapantay-pantay at patunay ng tuloy tuloy na pagkakaisa ng mga Tomasino.
Bilang bahagi ng selebrasyon ay muling binuksan ang “Kadiwa ni AJAM” tampok ang iba’t ibang bilihin gaya ng prutas, gulay, itlog, manok at iba pa. Isang Color Fun Run For A Cause naman ang sama-samang sinalihan ng mga Tomasino na ang proceeds mula pondong malilikom ay gagamitin para sa kapakinabangan ng kanilang mga kababayang may celebral palsy.
Bahagi din ng selebrasyon ang pagtupad ng pangako ni Mayor Marasigan na “Tomasino Una ang Kalusugan Mo” sa pamamagitan ng mobile clinic na hatid ay libreng serbisyo kagaya ng check-up, (pedia,OB), electrocardiogram (ECG), complete blood count (CBC), X-ray, Blood Chem, Sugar test, Cholesterol, Triglyceride HDL, eye checkup, ultra sound, gamot at dental check-up kasama ang simpleng bunot ng ngipin.
Tampok din ang paglunsad ng masasarap na pagkaing tupa. Ang tatlong araw na pagdiriwang ay kinapalooban ng local tupa specialties at mga lutong banyaga na isinagawa ng mga mahuhusay na chef ng lungsod.
Nagkaroon din ng kauna-unahang Ginoong Tomasino na nilahukan ng dalawampu’t limang kandidato mula sa iba’t ibang barangay ng syudad na kung saan itinanghal si G. Marcus Stephen Parcon mula sa Brgy. Sta Teresita bilang Ginoong Tomasino 2023.
Bilang bahagi ng programa ang “Healty Sto. Tomas“ binigyang pagkilala naman ang mga sumusunod na barangay na nagpatupad sa kanyang numero unong adbokasiya ang “mataas na antas at kalidad ng serbisyong pangkalusugan para sa matatag at malusog na lipunan “ ang mga eto ang
Brgy. Sta. Cruz , Best Performing in the Promotion of TODAng Support
Brgy. Sta. Teresita, Best Performing Barangay in the Promotion of Environment Health
Brgy. San Roque, Best Performing Barangay in the Promotion of Forever Young
Brgy. San Vicente, Best Performing Barangay in the Little Safe
Brgy. San Miguel, Most Improved Barangay in Family Profiling at
Brgy. Poblacion II, bilang Best Performing Barangay in Family Profiling.
Samantala, ginanap din ang Job fair at Legal Consultation na sinalihan ng 31 lokal na kumpanya at apat (4) na manpower agencies, 14 na abogado mula sa City Legal Office at Intergrated Bar of the Philippines naman ang naghatid ng libreng legal services. Nakiisa rin dito ang mga national government agencies na Philippine Statistics Authority, Social Security System, Phelhealth, Department of Migrant Workers, Department of Trade and Industry, Technical Education Skills Development Authority at Department of Labor and Employment. Nagkaroon din ng isang Thanks Giving Mass sa ika-apat na araw sa pangunguna ni Rev. Fr. Raeson Limbo na ginanap sa Annex City Hall Building, Poblacion 1.
Pasasalamat sa nakaraan, ipinagdidiwang ang kasalukuyan, at punong-puno ng pag-asa at tagumpay para sa bawat Tomasino. Kasama din sa selebrasyon ang pagbigay pugay ng bagong administrasyon sa mga dating leader ng kanilang lungsod sa pamamagitan ng unveiling of portraits ng mga dating Mayors .
Binigyan ding pagkilala ng lungsod ang kanilang top tax payers at top PESO partner recruiters para sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa kaunlaran ng lungsod. Nagtapos ang selebrasyon sa isang Fireworks at Amazing Jam And Music Night (AJAM Night) na ginanap sa Sierra Makiling Grounds, Barangay San Antonio. Ang pagdiwang ng makulay na kultura at pagkakaisa ng lungsod .
Tampok sa programa ang mga City Officials, employees ,Tomasino local artists, Ginoong Tomasino candidates, barangay captains, El Gamma Penumbra, Nobita at Itchyworms sa isang hindi makakalimutang gabi ng kasiyahan, musika at purong pagdiriwang.
Ang lahat ng programa ay isinagawa sa pangunguna ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, Sangguniang Panlungsod members, Department heads at mga kawani sa pamumuno ni City Administrator Engr. Severino M. Medalla.