NAGLABAS na ng abiso sa mga motorista ang lokal na pamahalaan ng Maynila na na ipapatupad na ang pagsasara ng kalsada sa darating na apat na araw na 2022 Bar exams na nasa paligid ng San Beda University sa San Miguel district at De La Salle University sa Malate .
Sa post sa social media ngayong araw, isasara ang kalye ng San Beda sa darating na Nobyembre 9,13,16 at 20 habang ang kalye sa Mendiola , Concepcion Aguila ay maaring daanan ng mga otorisadong sasakyan nag mga residente roon sa 1st, 2nd, 3rd, at 4th streets.
Habang ang Taft Avenue northbound at southbound naman na malapit sa La Salle ay hindi maaring daanan.
Uumpisahan ang pagsasara mula 11 ng gabi bago ang araw ng Bar exam.
Mahigpit ring ipapatupad ang liquor ban , mga nagtitinda at pag-iingay malapit sandalawang nabanggit na unibersidad bago ,habang at matapos ang pagsusulit.
Ayon pa sa local na pamahalaan, bawal rin ang nagtitinda, videoke,karaoke, malalakas na tunog ng sound systems, speakers at lahat ng lumilikha ng ingay sa lugar.
Sa huling tala, mayroon 9,916 ang kukuha ng pagsusulit sa buong bansa.