WALANG piyansa ang mga kinakaharap na kaso ni dating broadcaster at talk show host na si jay Sonza na syndicated and large -scale illegal recruitment.
Kinumpirma ito ng National Bureau of investigation (NBI) Assistant director Glenn Ricarte nitong Martes na inaresto si Sonza sa NAIA noong July 18 nang patungo sana ito sa Hong Kong .
Nang siyasatiin ng Immigration officials sa NAIA Terminal 3 ay mayroon itong naka-pending na kaso ng estafa.
Napag-alamanan rin ng Bureau of Immigration (BI) na may active itong warrant sa kasong syndicated and large-scale illegal recruitment .
Agad dinetine ng BI si Sonza hanggang sa dalhin ito sa NBI.
Hanggang sa inilipat ito noong Agosto 3 sa Quezon City Jail quarantine facility sa Payatas , Quezon City.
Walang piyansa ang kanyang mga kasong kinakaharap ni Sonza na Syndicated o large-scale illegal recruitment .