
Nananawagan ang mga magulang ng mga batang namatay nang dahil sa Dengvaxia na mag-inhibit si Department of Justice Undersecretary Jesse T. Andres dahil sa tinatawag na conflict of interest.
Lumalabas kasi na si Andres ay tumayong abogado ni dating Department of Health Secretary at ngayo’y Ilo-ilo Congresswoman Janette Garin. Matatandaan na may mga kasong kinakaharap si Garin dahil sa mga kontroberysyang hatid ng Dengvaxia.
Sa kasalukuyan ay nakaupo itong si Usec Andres sa National Prosecution Service na syang hahawak sa mga kaso ni Garin na may kinalaman sa kontroberyal na bakuna laban sa dengue
Ayon kay Volunteers Against Crime and Corruption o VACC na si Annie Gabito, na syang umaalalay sa mga magulang na biktima ng pamosong gamot, sila ay nananawagan kay Department of Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla at maging kay Pangulong BongBong Marcos na silipin ang isyung ito dahil ang pagkakapwesto ni Andres ay magdudulot lamang ng pagdududa sa ahensya.
Ayon naman sa mga magulang ng mga biktima, hindi nila sinasabi na may direktang kinalaman sa kaso si Andres subalit kung mananatiling sya ay may impluwensya sa kaso ay hindi maiiwasan ang pagdududa.
Mula umano nang mauupo itong Andres ay may dalamput-apat na kaso na ng Dengvaxcia ang nadismiss at naibasura na.
Sa loob anila ng limang taon ng kanilang pakikibaka para sa katarungan, ay nananatiling mailap ito subalit magpapatuloy silang lumalaban at hindi sila papayag na patuloy na mababoy ang justice system sa bansa.