WALA pang rekomendasyon ang pamahalaan na magpa-booster shots kontra Covid angmga kabataang nasa edad 12 hanggng 17-anyos.
Hindi nararapat na isugal ang kaligtasan at kalusugan ng mga kabataan hanggat wala pang malinaw at matibay na pruwebang basehan o masusing pag-aaral ng mga dalubhasa sa larangan ng siyensya at medisina,ayon sa Vaccine Expert Panel ng Department of Health.
Sinabi ni VEP chief Dr. Nina Gloriani na kailangan pa rin nilang hintayin ang resulta ng mga pag-aaral sa ibayong dagat kaugnay ng pediatric booster shots sa hanay ng mga kabataang immunocompromised sa ilalim ng naturang age bracket.
Pasok rin sa mga sinusuri ay ang agam-agam ng paghina ng epekto ng bakuna matapos ang ilang buwan mula ng turukan ng panlaban kontra COVID-19.
“Sa ngayon, very recent lang naman na nabigyan sila ng bakuna eh so they should still be protected. Hindi pa. Hindi pa nare-recommend,” tahasang sambit ni Gloriani.
“Titignan pa kasi kung magwe-wane ba ‘yan agad. Alam mo ang mga bata, mas maganda mag-mount ng immune response kaya magtatagal ‘yan.
Kailangan makita na talagang nagwe-wane,” dagdag pa niya. Nito lamang buwan ng Nobyembre 2021 sumipa ang pagtuturok ng bakunang Pfizer kontra COVID-19 sa mga kabataang edad 12 hanggang 17-anyos.
Target ng pamahalaang maturukan ng COVID-19 vaccines ang hindi bababa sa 90 milyong Pilipino bago paman bumaba sa pwesto ssi Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo.
Sa tala ng DOH, lagpas na sa 3.665 milyong Pilipino ang tinamaan ng nakamamatay na sakit mula Marso 2020.