November 29, 2023

Espesyal na kalamay ng Nagcarlan

Ang kapaskuhan o ang selebrasyon sa kapanganak ni Hesus ay hindi natatapos sa buwan ng Disyembre 25.Sa buong mundo ito halos ang ipinagdiriwang na ang tawag naman nila ay *Thanksgiving Day*.Dito sa ating bansa mayroong ibang bayan na binibgyang halaga rin o ipinagdiriwang din  ang pagdating ng tatlong hari o 3 Kings na naglakbay upang makita ang hari ng mundo na ipinanganak sa sabsaban na si Hesukristo .Sinundan  ang pinakamaningning na tala sa kalangitan at hinandugan ng munting regalo .

Sa lalawigan ng Laguna sa bayan ng Nagcarlan ipinagdiriwang rpagito3 kings..Ang araw na ito ay mahalaga sa kanila dahil dito sila naghahanda ng mga pamasko para sa mga bata kasabay ang paghahanda ng masarap at espesyal na pagkain.

Dumaan man ang maraming henerasyon hindi  mawawala ang kanilang nakagisnan na .Bukod sa pagluluto ng tikoy sa tukil na isa ring espesyal na pagkain sa kanila ay mayroon pang Isang maituturing na espesyal ang* kalamay*  Isa itong kakaning malagkit na na gawa sa purong  malagkit na bigas na hinahaluan ng mga masasarap na sangkap at hinalo ng  ng halos isang oras sa kawa.

kilala rito sa kanilang lugar si Jacinto Pamatmat  na nasa edad 60 taong gulang na tubong Nagcarlan. Isa siyang eksperto sa pagluluto ng KALAMAY na may 4 na may dekada na.Siya lamang ang nakamana sa kanyang mga magulang sa pagkahilig sa pagluluto ng espesyal na kakanin.Espesyal ito dahil sa mga sangkap na  inihalo habang niluluto sa tamang lakas ng gatong hanggang sa palalaputin sa paghalo sa loob ng halos isang oras .

Ang mga sangkap na tulad ng asukal,gatas,keso,mantikilya  at mani ay tinatawag niyang special habang plain o ordinary naman  kung ang sangkap ay asukal lamang.Ang kanyang pa-order  sa kanyang mga costumers ay may halagang 800 pesos bawat bilao ng ordinary  kalamay habang ang special kalamay naman ay nasa 900 pesos kada bilao.

Nitong araw ng Huwebes sa selebrasyon ng 3 kings sa Nagcarlan  ay nakapagluto si Jacinto ng halos walong bilao..Sa kanyang puhunang hgit 1,000 piso ay napalago niya ng 6,000  pesos. Ang bawat KAlamay ay tumatagal ng isang buwan kung ito ay nasa loob ng refrigerator .a Dahil sa kanyang pagluluto ng KAlamay na may 40 taon na,nakapagpundar siya ng mga kagamitan sa pang-maramihang pagluluto tulad  ng mga kalan,kaserola at sandok.kung minsan ay naiimbitahan rin  siya sa mga okasyon ng kasalan o malalaking handaan.

Hindi matatawaran ang pagkahilig ni Jacinto sa pagluluto dahil sa pagkadarang sa  init ng apoy marahil ang ilan sa atin ay susuko  ,ngunit si Jacinto ay hindi dahil patuloy siyang  magtitiyaga sa paghahalo ng kanyang espesyal na KAlamay na gawang Nagcarlan hanggat mayroong tumatangkilik sa kanyang produkto.