Arestado ang apat na fixer sa Land Transportation Office sa Bocaue, Bulacan matapos makatanggap ng reklamo kaugnay sa kanilang tanggapan.
Agad na nagkasa ng dalawang magkahiwalay na entrapment operation ang ahensya sa direktiba ni Regional Director Eduardo De Guzman kung saab ay isang empleyado ng LTO Bulacan ang nagkunwaring kliyente na nakipagtransaksyon sa apat na fixers na nangako ng agarang pagpoproseso ng kanyang mga papeles .
Inaresto agad ng Police Regional Office 3 at Bulacan Provincial Police ang apat na indibiwal matapos nilang tanggapin ang napagkasunduang halaga.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Jose Arturo “Jay Art” Tugade, ipagpapatuloy nila ang mga hakbangin kaugnay sa anti-fixing and anti-red tape na gawain sa buong bansa.
Sa tulong ng mga Regional Offices ay tutugunan ang isyu ng fixing nang walang alinlangan, at wala silang puwang sa bakuran ng LTO dagdag pa ni Tugade, .
Samantala, sa Camarines Sur naman ay inaresto ang isang 37 anyos na suspek base sa reklamo na ang naturang idibidwal ay isa umanong fixer na nang bibiktima malapit sa Naga District Office ng ahensya. Nag-alok umano ito na ipoproseso ang driver’s license ng kaanak ng complainant kapalit ng halagang hindi na binaggit.
Alinsunod sa kautusan ni Tugade laban sa mga fixers, mabilis na tinugunan ni LTO Region 5 Regional Director Francisco Ranches, Junior ang sumbong at agad na nakipagtulungan sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG sa Camarines Sur at Naga City Police upang magsagawa ng pag-aresto.
Kasalukuyan nang iniimbistaganahan ng mga otoridad ang ilang empleyadong kasabwat sa loob ng ahensya.