ITINATAG ang programa ng Social Security System (SSS) na “Kasangga Collect Program” na may layuning magbigay benespisyo sa mga job order employees ng Local Government Units o LGUs.
Noon pang taong 2015 sinimulan ito ayon kay Mr. Joseph Pedley V. Britanico Lipa City Branch Head , bagamat nagtatarbaho ang mga ito hindi sila covered ng Government Services Insurance System (GSIS) kaya nagkaroon ng agreement ang DILG at ang SSS upang mabigyan ng pagkakataon na ang mga job order employees na macovered ng SSS bilang self employed.
Kasangga ang LGU sa pagkaltas ng kanilang hulog sa kanilang buwanang sahod para mas madali at hindi na sila mahihirapan pumunta sa mga payment center. Magkakaroon ang LGU ng isang designated focal person upang makipag-coordinate sa SSS para sa kanilang remittances.
Kaugnay nito, kasalukuyang din inaayos ang Barangay Ecenter, ayon kay Atty. Alejandre T. Diaz Acting Head, Luzon South 2 Division ang purpose ng ecenter upang mas mapapadali ang kanilang pagverify o pag apply ng mga claims.
Aniya “as the moment we are asking the barangay to identify their focal person upang maturuan ng SSS to empower barangay grassroot, to help their constituents in giving information with regards to the SSS benefits , processes, para ang kanilang mga kabarangay nang hindi na mahirapang pumunta o pumila ng mahaba sa opisina ng SSS.
Ang Barangay Ecenter ayon sa SSS ay sinimulan noong February 2023 sa isang barangay ng Lipa City at Rosario Batangas. Dalawang barangay kada buwan ang kanilang target o 24 barangays sa isang taon.
Sinabi din ni Britanico na “once na naging member sila ng SSS kahit matagal na silang hindi makaghulog o mahaba na ang naging gap ng kanilang contribution member pa rin sila ng SSS and they will be entitled to all the benefits offer by the system. Kaya iyan ang advantage being a SSS member at the same time they will be availing the cheapest form of insurance, kasama pa nito lahat na benefits na binbigay ng SSS ay tax free”. Isa pa rin sa aasahang proyekto ng SSS ay ang kanilang SSS on wheels.