Labor Day Job Fair, ginanap nang mas maaga sa Sto. Tomas City

Sa halip na May 1 ay ginanap ng mas maaga ang ππππ¨π« πππ² ππ¨π π ππ’π« nitong April 25, 2023, sa OASIS Gymnasium sa loob ng First Philippine Industrial Park, sa pangunguna ng π·πππππ π¬πππππππππ πΊππππππ πΆπππππ (π·π¬πΊπΆ), katuwang ang π«πππππππππ ππ π³ππππ & π¬πππππππππ (π«πΆπ³π¬) at ang mismong π πππ. Ito ay kaugnay pa rin ng isa sa mga agenda ni City Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan na pagtataguyod ng mga dagdag na hanapbuhay para sa mga Tomasino at bilang suporta sa mga manggagaawa.
Ang programang ito ay nilahukan ng labinlima (15) na mga lokal na kumpanya, na dinaluhan naman ng 709 na aplikante, kung saan 196 sa kanila ang na ‘Hired on the Spot’. Dumalo rin at sinuportahan ito ng buong Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni City Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez.