KUMAIN ng mas maraming white meat, gulay at iwasan ang mga prinosesong pagkain. Ito ang payo na ibinigay sa mga lumahok sa lecture na may temang “Dietary Management for Specific Diseases: Hypertension, Diabetes and Kidney Disease” na idinaos sa Kamara de Representantes ngayong Huwebes.
Iminungkahi ng lecture resource person na si Kathrina Leigh Sepagan, isang Registered Nutritionist-Dietician (RND), na ang mga pagkaing sagana sa mga minerals tulad ng potassium, magnesium, calcium, dietary fiber at protein ay dapat isama sa bawat diet upang mapamahalaan ang salt intakes ng ating katawan.
Para sa mga pasyenteng may diabetes mellitus, binigyang diin ni Sepagan ang kahalagahan ng medical nutrition therapy. Hinimok niya ang bawat indibiduwal na may hypertension at diabetes mellitus laban sa self-prescribing on food intake.
Iginiit naman ni Cymbeline Banez, RND, MPH, ang isa pang resource person, ang pagbabago ng pagkain ng protein, sodium, potassium, calcium at fluids para sa mga pasyenteng may renal disease. Inirekomenda niya ang sapat na pagkain ng may essential amino acids at calories.
Ipinaliwanag ni Banez na ang diabetes ay kilala rin bilang nangungunang dahilan ng kidney failure, at ang pag kontrol ng high blood pressure ay labis na mahalaga sa pagpapabagal ng progression nito.
Binanggit niya rin na ang pamamahala ng diet para sa mga pasyenteng may renal disease ay magkakaiba batay sa edad, body weight, kidney function at dialysis pattern.
Nagbabala si Sepagan sa mga lumahok, lalo na ang mga may hypertension at diabetes mellitus, laban sa self-prescribing on food intake. “Mas okay kung galing po sa professionals ang mga nutritional advice or dietary advice na ina-apply sa ating life. Kasi baka mamaya ‘yung mga advices na ‘yon sa ngayon wala siyang impact sa health natin pero baka in the long run pag matagal na natin siyang ina-apply dun pa lumabas ‘yung ibang sakit,” aniya.
Nagpayo rin si Sepagan ng mga pisikal na aktibidad para mabawasan ang antas ng blood glucose at blood pressure, paunlarin ang blood circulation, burn additional calories, kabilang na ang pagpapaunlad ng mood at memory sa mga may edad.
Ang lecture, na inorganisa ng House Medical and Dental Service (MDS), sa pakikipag-ugnayan sa Administrative Department, ay bahagi ng 2024 Happy Healthy Heart program na may temang, “Mind your heart, mind your life.”