PUMALO sa 108 porsyento ang kaso ng leptospirosis sa lungsod Quezon mula Enero 1 hanggang Oktubre 2023, ayon sa local n pamahalaan ng Quezon City.
Mas matas ito kumpara noong nakaraang taon kung saan naitala ng Quezon City Epidemiology and Diseases Surveilance ang 277 kaso ng mga tinamaan ng sakit na ito mula sa ihi ng daga.
Nakapagtala ang district 2 ng pinakamaraming bilang na may sakit na nasa 72 katao habang ang district 5 naman ay may pinakamababang kasong bilang na 28 .
Nasa 33 katao naman ang nasawi dahil sa leptospirosis.
Kaya naman lubos ang paalala ng local na pamahalaan ng lungsod na agad magtungo sa pagamutan kung mayroon ng sintomas ng sakit upang agad na malunasan ito.
Ang mga sintomas ng leptospirosis ay may mataas na lagnat na may kasamang pananakit ng ulo, panginginig ng katawan , pagsusuka , pagkukulay dilaw ng balat, mapulang mata, pagtatae at rashes.
Ang iba naman ay walang sintomas na nararanasan mula sa sakit na ito.