SA selebrasyon ng National Women’s Day kahapon,umabot sa 51,202 kababaihan ang hinandugan ng libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Naitala sa MRT-3 38,445 libreng sakay, nasa 18,209 simula 7 a.m. hanggang 9 a.m. ,habang 20,236 mula naman 5 p.m. hanggang 7 p.m.
Sa fb post ng MRT3 ,“Ang libreng sakay ng MRT-3 para sa mga kababaihan ay bilang pagkilala at pasasalamat ng pamunuan ng linya sa natatanging kontribusyon ng mga ito sa lipunan (The MRT-3’s free ride for women gives recognition and gratitude from the rail service’s management to the unique contribution of women in society),” .
Samantala ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ay nakapagtala ng 12,757 libreng sakay din.
Bukod sa libreng sakay ,mayroon ding libreng blood typing tests, blood pressure checking, at blood Sinabi ni LRTA sugar tests sa LRT-2 Recto at Araneta Center – Cubao stations.
Sinabi ni Administrator Jeremy Regino sa kanyang Facebook post “These activities aim to honor and recognize the indispensable role of women in our society as well as reaffirm DOTr and LRTA’s commitment to gender equality and women empowerment,”