Maglalaan ng libreng sakay ang mga alkalde sa Metro Manila kasabay ng tigil pasada ng ilang transport group sa Lunes.
Napagkasunduan sa pulong ng MMDA at Metro Manila Council na mag de-deploy ang mga lokal na pamahalaan ng mga sasakyan na sasalo sa mga mananakay na tatatamaan ng tigil pasada.
Magpapakalat din ng mga karagdagang pulis upang mapanatili ang ang kaligtasan ang mga pasahero at tsuper na hindi lalahok sa transport strike.
Nauna na nag anunsiyo ng libreng sakay ang Valenzuela , Caloocan, San Juan habang na handa rin ang government agencies ng libreng sakay hanggang Marso 12.