IGINIIT ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ( LTFRB ) na basta may student ID, dapat may diskwento.
Mayroong 20% diskwento sa pamasahe ang mga estudyante tuwing sasakay sa mga pampublikong sasakyan, holiday man, weekend, o bakasyon, alinsunod sa Republic Act 11314 o ang batas na nagbibigay ng diskwento sa mga pasahero ng pampublikong transportasyon.
Ayon sa LTFRB , maaaring i-reklamo ang mga tsuper na tumangging magbigay ng diskwento sa mga estudyante sa pamamagitan ng mga sumusunod na detalye:
Public Assistance Complaint Desk (PACD)
Facebook: fb.com/ltfrb.central.ph
24/7 Hotline: 1342