ISANG panukalang batas na naglalayong magkaroon ng silid dasalan para lang sa mga Muslim sa lahat ng pagamutan, malls, pabrika at maging sa mga gusaling pag-aari ng gobyerno dahil sa patuloy ng kanilang pagdami .
Sa inihaing House Bill 7117 sa Kamara, target ni Basilan Rep. Mujiv Hataman na tugunan ang daing ng mga Muslim na aniya’y nahihirapan humanap ng pook-dalanginan sa lugar kung saan sila nagtatrabaho.
“Malaki ang populasyon ng mga Muslim hindi lang sa Mindanao kundi sa buong Pilipinas. Limang beses kami mag dasal sa isang araw, at kadalasan challenge ang paghahanap ng lugar para dito,” ani Hataman.
Aniya, nasa 12 milyon ang kabuuang bilang ng mga Muslim sa bansa subalit masking isang silid-dasalan para sa kanila wala umano sa alinmang gusali ng pamahalaan, mall, pabrika at maging sa mga pagamutan.
Hindi din nakalusot sa kongresista ang kawalan ng pook dalanginan ng mga Muslim sa sundalo sa mga kampo militar ng gobyerno.
“Ang pagdarasal ay mahalaga sa lahat ng relihiyon. Sa aming mga Muslim, ginagawa namin ito limang beses sa isang araw, nasaan man kami abutan. Kaya mahalaga na laging may lugar kung saan pwedeng magdasal ang mga kapatid nating Muslim,” litanya pa ni Hataman.
“The Philippine Muslim population forms a huge and significant part of our citizenry. It is therefore imperative for the free exercise of their Islamic faith that prayer rooms be also made available to them in government institutions and private establishments intended for public use.