NAKATAAS sa yellow alert status ang kuryente sa Luzon at Visayas dahil sa manipis na suplay ng kuryente ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)
Sinabi ng NGCP , inaasahan ngayong araw, bandang ala -1 ng hapon hanggang alas 11 ng gabi ay nakataas sa yellow alert status ang Luzon dahil sa nasa 18 planta ang pumalya habang 3 planta lamang ang nag-ooperate ng mas mababang kuryente.
Kabilang rin sa yellow alert status ang Visayas mula ala-1 ng hapon hanggang alas- 20 ng gabi mamaya dahil sa 13 planta rin ang pumalya roon habang 5 planta lamang ang nagsuplay ng mababang kuryente.