DALAWA ang patay sa dalawang magkahiwalay na insidente ng sunog sa lungsod Quezon kahapon.
Unang nasunog ang isang bahay sa Barangay krus na Ligas pasado alas 2:00 ng madaling araw kanina kung saan hindi na naisalba pa ang buhay ang mag-inang naipit sa loob ng kanilang tahanan.
Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), isang 40-anyos na ginang at 17-anyos na kanyang anak ang nasawi.
Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng apoy ngunit ang nakikitang sinisilip ang dahilang arson dahil sa salaysay ng mga nakasaksi sa pangyayari.
Samantala, nagliyab rin bandang alas 4:45 ng hapon kahapon ang Araneta Bus Terminal sa Barangay Socorro sa Cubao.
Nagsimula ang sunog sa barracks ng bus station sa loob ng Araneta City Complex kung saan marami ang tao roon.
Ideneklarang ng Quezon City firefighters na fireout ang lugar bandang alas 8:20 ng gabi.