HALOS magdadalawang taon na ang nakalipas, tukoy na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang utak sa pagdukot sa mga nawawalang 34 na sabungero sa magkakahiwalay na insidente.
Sinabi ni CIDG chief Police Brig. Gen. Romeo Caramat, naging maingat at mabusisi ang kanilang ginawang imbestigasyon kung saan iisa lang di umano ang itinuturong responsable sa kabi-kabilang pagkawala ng mga sabungero mula sa Maynila, Laguna, Cavite, Bulacan, Batangas at Rizal.
Ngunit tumanggi muna siyang pangalanan ang sinasabing mastermind dahil sa pa nilang kumalap ng mas maraming ebidensyang illakip sa kasong ihahain sa husgado.
Samantala, nag-alok naman ng 6 na milyong pisong gantimpala si Department of Justice jesus Crispin Remulla sa sinomang makakapagbigay ng karagdagang impormasyon at lugar ng kinaroroonan ng 6 na indibidwal na itinuturong utak sa pagkawala ng mga sabungeros.