INILABAS na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng ginawang mechanical engineering examination noong nakaraang Pebrero 2022 , kung saan kabilang sa top 10 ang mga estudyanteng nagtapos mula sa Visayas.
Nag-Top 1 si Mark Anthony Salazar Arcayan mula sa Visayas State University (Visca) ng Baybay City, Leyte
Nasa ika-2nd at 10th sina Mark Allen GAbutero Armenion at Louie Genobiagon de los Santos ay nagmula sa University of Cebu.
Habang nasa ika- 4th si Ralph Tusoy Ecat naman ay nagmula sa Bohol Island State University sa Tagbilaran City.
Nag -tie naman sa pwesto sina Mark Vincent Cruz Layug, n amula sa Don Honorio Ventura Technological State University sa Bacolor, Pampanga, at Clynt Gumalal Bulosan mula Andres Bonifacio College sa Dipolog City.
Ang dalawang produkto ng Technological University of the Philippines-Visayas ng Talisay, Negros Occidental, ay sina John Dominic Ape at Janry Custodio Plaga, na nasa ika-5th at 7th place.
Ang ibang topnotchers ay sina Charls Ledcel Umali Felices ng Adamson University (3rd); Alvin Gomez Gumatay ng Dr. Yanga’s Colleges, Inc. ng Bocaue (5th, along with Ape); Troy Alsither Buna Alemania ng De Salle University-Manila (6th); Kenta Bolaños Yagi (8th) at Gio Kent Dumo Onda (9th), ay mula sa Mapua University-Manila.
Sinabi ng PRC na umabot sa 3,780 ang kumuha ng mechanical engineering licensure examination ngunit 2,121 lamang ang pinalad na makapasa.