NASA 70 porsyento na ng mga Pilipino ang nabakunahan ng panlaban sa Covid -19 kaya naman nais na ipadala ng ating bansa ang mga malapit nang ma -expired na bakuna sa mga mahihirap na bansang nangangailangan pa ng bakuna.
Sinabi ni Department of Health Secretary Francisco Duque III nitong Huwebes na magdodonate ng bakuna ang Pilipinas sa mga bansang Cambodia,Myanmar at ilang bansa sa Africa.
“Maganda naman iyang layunin na iyan para makatulong din tayo sa mga kapatid natin mula sa mga ibang bansa na namamayagpag pa rin ang Covid-19 pero ang supply ng bakuna ay kulang na kulang.pahayag nito.
Inaalam naman pa ng National Vaccination Operatio n Center kung ilan o gaaano kadaming bakuna ang ibibigay bilang donasyon.
Kinumpirma din ni Duque ang pag-aaptuba ng pharmaceutical firm na AstraZeneca ang extension ng bakunang anti -Covid-19.
“Pero ang FDA [Food and Drug Administration] na lamang ang inaantay natin para maaprubahan iyong extension ng shelf life by three months,” dagdag pa nito.