TUMANGGAP ng tulong pinansiyal ang 17 pamilyang nasunugan sa lungsod Quezon sa ilalim ng Emergency Housing Assistance na programa ng National Housing Authority o NHA.
Nasa 395 ,000 piso na ang naipagkaloob na ipinangakong tulong pinansiyal ng NHA Quezon City District Office para sa mga biktima ng kalamidad tulad ng mga nasunugan kamakailan sa barangay ng Bagong Silang, Bahay Toro, Batasan Hills, Commonwealth at San Antonio.
May mga pamilyang tumanggap ng 30,000 , 20,000 , 15,000 at 10,000 piso . Ang mga halagang ito ay nakabase sa laki ng pinsala sa mga kabahayan ayon na rin sa rekomendasyon ng lokal na pamahalaan.
Kasabay din nito ang pamamahagi naman ng Department of Interior and Local Government o DILG ng 234,000 pisong ayuda sa 13 infomal settler families mula sa Barangay Bagumbayan, Doña Imelda, at Nagkaisang Nayon.
Ang nasabing mga pamilya ay ililipat sa mga housing project ng ahensya sa Rizal at Bulacan.
Ang distribusyon ng tulong pinansyal ay pinangasiwaan ng NHA Community Support Services Department.
Magmula ng maupo si General Manager Joben Tai nitong Agosto ay nakapagpalabas na ng 275, 545 milyong piso ang ahensya sa EHAP at nasa42,148 na pamilya na ang nakinabang rito.