NAAALARMA ang isang grupo sa mga nagkalat na pang regalo ngayong darating na “Araw ng mga Puso” dahil sa maaring may dalang masamang epekto ito sa kalusugan ng tao.
Nagkalat sa mga lugar ng Makati, Manila, Pasay at lungsod Quezon ang mga makukulay pulang stuffed hearts, teddy bears, mugs, plastic roses, heart shaped chocolates, at iba pang novelty items.
Ayon sa Ban Toxics na environmental watchdog, sila ay nababahala sa mga pang regalong ito dahil sa “toxic materials” na mga ginamit na maaaring magdulot ng masama sa ating kalusugan .
Kaya naman kanilang ipinagbigay alam agad sa Food and Drug Administration (FDA) at sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga ganitong produkto.
“We encourage consumers to be more vigilant and discerning in buying these gift items. To ensure that their loved ones celebrate a toxic-free love month in good health and joy,” ani ng Ban Toxics.