
HULI ang tatlong suspek na kabilang sa sindikatong Kidnap-for-ransom group na nagtatago sa kanilang farm ng sari-saring high -powered firearms sa Pangil, Laguna.
Nasakote ang tatlong suspek na sina alias Eduardo Prestado na tumatayong security at dalawang caretaker na sina alyas Jonathan at Allan na pansamantalang naninirahan sa Madriaga Farm sa Barangay Galalan ng naturang lugar.
Inihain ng pinagsanib pwersa ng Provincial Special Operations Unit (Lead Unit), PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) Camp Crame, SWAT Team, 1st at 2nd Laguna Provincial Mobile Force Company (LPMFC), at Pangil Municipal Police Station (MPS) ang search warrant search warrant dahil sa paglabag sa RA 10591 ng ipaguto ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Court ng Lucena City .
Narekober sa operasyon ang mga (2) M16 riffle na may (7) magazines at mga piraso ng bala, (3) units ng 12 gauge shot gun at mga bala , (2) cal. .22 rifle at mga bala , (1) lever action 30-30 Winchester Rifle, (1) STI cal .40 pistol na may (2) pirasong magazine at mga bala , (1) ng Beretta .9mm pistol na may (2) pieces magazine at mga bala , (1) submachine ingram (uzi) , (1) .357 revolver , (1) caliber .38 revolver, at sling bag.

Ayon kay Laguna Police Provincial Director Col. Harold Depositar, ang farm ay pag-aari ng Madriaga Kidnap-for-ransom group na siyang nag-ooperate sa Metro Manila at sa rehiyon ng Calabarzon . Mayroong ding sari-saring kalibre ng baril na ginagamit sa kanilang sariling firing range .
Dagdag pa nito , “These operations are one of our bold steps to reduce the possibility that these personalities cause further damage to our constituents or even interfere in the peaceful conduct of the upcoming elections.”