NAGSAGAWA ng pagsasanay ang Department of Agriculture 4-A sa mga magssaka ukol sa paggawa ng “Vegetable Wine Processing” noong ika-16 ng Nobyembre 2022 Upang mapakinabangan ang sobrang aning gulay.
Sa pangunguna ni OIC-Regional Executive Director Milo delos Reyes ginawa ang mga surplus na gulay upang hindi masayang at maibenta pa ang mga ito bilang karagdagang kita.
Nasa 40 magugulay mula sa Nagcarlan at Majayjay, Laguna at mga kawani ng lahat ng DA-4A Research and Experiment Stations ang mga lumahok rito.
Ipinaliwanag ni Science Research Specialist I Bb. Jolee Develos at Project Assistant I Bb. Lezil Jabanat, mula sa Department of Agriculture Northern Mindanao (DA-10), ang pagproproseso ng karot, pipino, sayote, kamatis, at bigas upang gawing wine.
Nagpasalamat si Bb. Remedios Mojado, isa sa mga partisipante, dahil malaking tulong sa kanyang asosasyon na matuto ng paggawa ng wine at sa inisyatibo ng DA-4A na tulungan ang mga maggugulay.
Ang aktibidad na ito ay naging possible dahil sa pagtutulungan ng High Value Crops Development Program (HVCDP), Organic Agriculture Research and Development Center (OARDC), Research Division, at Rice Program.