
NASABAT ng Bureau of Customs ang halos 10 bilyong piso ng mga pekeng bag,sapatos at iba pang produkto matapos salakayin ang isang warehouse sa Binondo ,Maynila.
Bitbit ang letter of authority nang surpesang inspeksyunin ang nasabing warehouse na naglalaman ng mga damit, gamit sa kusina at mga beauty products.
Ang ibang itemsinebentaonline habang ang iba ay ipapadeliver pa sa mga parukyano.
Agad na ipinodlock na nila ang warehouse upang hindi na maapektuhan ang mgha lehitimong brands na nagbibigay ng buwis sa bansa.
Mahaharap sa kasong Republic Act No. 10863 known as the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA)ang may ari ng produkto.