NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang mga tauhan ng MIAA Airport Police Department (MIAA-APD) at ng PNP-Aviation Security Unit (PNP-Avseu) makarang ang naganap na pagsabog kaninang pasado alas 9:30 ng umaga sa open parking NAIA Terminal 3.
Lumalabas sa ulat ng pulisya na inihagis ng isang lalaki ang Molotov bomb sa open parking area ng NAIA Terminal 3, Pasay City .
Tatlong nakaparadang sasakyan ang nadamay sa pagsabog .
Matapos ang pagsabog, natagtpuan ang boteng basag-basag na naglaman ng likidong pampasabog na siyang ibinalot sa tela .
Kinakalap na ng mga otoridad ang kuha ng mga CCTV cameras sa nasabing lugar maging sa ibang kalapit pang establisimyento.
Nakikipagtulungan na rin ang Pasay City PNP SOCO sa pag iimbestiga sa pangyayari .
Ipinag-utos na rin ni MIAA-Officer in Charge Bryan Co ang pagpapakalat ng airport police sa lugar kabilang ang K9 unit lalo na sa matataong lugar sa Terminal.
Nagpaalala rin na ipagbigay alam sa mga otoridad kung may makitang mga kahina-hinalang galaw ang isnag indibidwal.