MULING inilunsad ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang flagship program nito na ‘Drayberks’ para sa pagdiriwang ng Road Safety Month ngayong taon.
Sa pakikipagtulungan ng toll road company sa Cavite State University (CvSU), ni-level up ng MPT South ang award winning program nito at ipinakilala ang Drayberks B.I.S.A (Buhay Ingatan, Sasakya’y Alagaan) caravan. Isa itong one-day seminar patungkol sa vehicle maintenance at troubleshooting na libreng isinasagawa para sa mga motorista. Layun nitong mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga motorista upang maging handa at palaging maging ligtas sa daan.
Unang umikot ang Drayberks B.I.S.A Caravan sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at dinaluhan ito ng mga bus drivers, traffic enforcers, at ilang miyembro ng grupong ACTO kabilang ang presidente nito na si Liberty de Luna. Sumentro ang seminar sa pagtuturo ng kahalagahan ng tamang pag-alaga at pag-suri sa mga sasakyan.
Inisa-isa rin ng mga automotive technology experts at instructors mula sa CvSU ang vehicle maintenance checklist na BLOWBAGETS, o battery, lights, oil, water, brakes, air, gas, engine, tires, at self.
Bukod pa riyan, ipinasubok din sa mga dumalo ang #EGGStraSafe experiment, na unang inilabas ng toll road company sa social media accounts nito para sa Road Safety Month, kung saan inihahalintulad nito ang buhay ng isang motorista sa isang itlog at ipinakita na ito rin ay fragile o madaling mabasag.
“Saklaw ng road safety ang safe driving practices at pagkakaroon ng ligtas na daan ngunit ito ay dapat sinisimulan sa maayos na pag-aalaga ng sasakyan. Ngayong taon, nakatuon ang mga Road Safety Month programs ng MPT South sa mga mechanical issues ng mga sasakyan na maaaring maging sanhi ng aksidente sa daan. Habang sinisiguro namin ang safety features at sumusunod sa safe road standards ang aming mga kaldasa, mariin din naming ipinapahayag ang kalahagahan ng pagiging handa ng mga motorista,” ani Ms. Arlette Capistrano, Vice President for Communication and Stakeholder Management ng MPT South.
Iniimbitahan din ng toll road company ang mga motorista na lumahok sa mga susunod na rollout ng Drayberks B.I.S.A caravan na gaganapin sa SM City Bacoor, 4F Cinema area, sa Mayo 19, 2023 (Biyernes); at sa SM City Santa Rosa, Atrium 1, sa Mayo 27, 2023 (Sabado).
Ang MPT South ay ang concessionaire ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), CAVITEX C5 Link, at ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX). Ang ‘Drayberks’ road safety advocacy ng MPT South ay nakailalim sa inisyatiba ng MPTC na tinawag na “Mission: Road Safety” kung saan nakapokus ito sa paghahatid ng mga road safety awareness seminars at digital information campaigns para sa mga motorista upang masiguro ang ligtas na pagdaan nito sa kahabaan ng MPTC expressways sa Luzon at Visayas —CAVITEX, C5 Link, CALAX, NLEX (North Luzon Expressway), NLEX Connector Road, SCTEX (Subic-Clark-Tarlac Expressway) at CCLEX (Cebu-Cordova Link Expressway) sa Cebu.
Ang mga inisyatibong ito ay nakahanay sa adopted resolution ng United Nations General Assembly na ‘Improving Global Road Safety,’ na may layung mabawasan ang road traffic deaths at injuries ng 50% bago sumapit ang taong 2030.