
PINATAWAN ng suspensiyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang noontime show ng ABSCBN na “Its Showtime” simula ngayong araw ng Lunes , Setyembre 4 .
Tatagal ng 12 araw ang suspensiyon dahil umano sa natanggap na reklamo ng MTRCB na inere noong July 25,2023 episode .
Mayroong mga indecent o malaswang nasabi at ikinilos ng mga host sa segment na “Isip bata” .
Sa ulat ng GMA7 , sinabi ng MTRCB na ngayong taon ay nakatanggap sila ng mga reklamo sa Its Showtime at kaagad nila itong inaksyunan.
Kamakailan ay binigyan na ang programa ng 2 warning mula sa ahesya.
Sa inilabas na pahayag ng ABS_CBN na “Natanggap na namin ang ruling ng MTRCB na nag-utos na isuspinde ang “It’s Showtime “ sa loob ng 12 araw mula sa pinalidad ng desisyong ito”.
Aniya, “Kami ay maghahain ng Motion for Reconsideration dahil naniniwala kaming walang nangyaring paglabag sa anumang batas”, dagdag pa nito.
At maaari pang umapela sa Office of the President ang noontime show.