POSIBLENG tumagal ng apat na araw ang sumiklab na sunog sa coconut oil mill nitong Linggo sa Barangay San Benito, Alaminos lalawigan ng Laguna .
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire na nagsimula ang nagliliyab na apoy kahapon ng umaga .
Isang malakas na pagsabog sa di kalayuang lugar ang narinig ng security guard ng Francis and Son Oil Mill .
Hirap na hirap ang mga bumbero na maapula ang dalawang pabrika na tinupok ng apoy dahil sa mga nakatambak na coprang na pangunahing materyales sa paggawa ng mantika.
Umabot na sa ikatlong alarma ang sunog habang patuloy pa rin ang pagaapula ng apoy ng BFP sa lugar.