NANATILING hindi pa nakikilala o natutkoy ang mga pumaslang kay Negros Oriental Governor Roel R. Degamo kaninang umaga habang kinakausap ang kanyang mga kababayan sa bayan ng Pamplona.
Kinumpirma ni Siaton Mayor Fritz Dias matapos ang ilang oras na pagaatake sa biktima sa labas ng kanyang tirahan sa Barangay San Isidro in Sto. Nuwebe habang namamahagi ng assistance ng DSWD sa mga benepisyaro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang gobernador nang pagbabarilin ng isang hindi mamukhaang nakasuot ng uniporme ng militar at naka bullet- proof vest .
Sa inisyal na ulat ay hindi pa matukoy ang ilang biktimang tinamaan ng bala sa pamamaril na mabilis na isinugod ang mga ito sa pagamutan.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek na sumakay sa itim na Mitsubishi Montero na may plate no. YAP-163; at silver green Mitsubishi Pajero na walang plaka at green Isuzu pick-up na may plate no. GRY-162.
Lahad ni Police Regional Office 7 spokesperson, Lieutenant Colonel Maria Aurora Rayos, natagpuan ang inabandonang sasakyan sa Bgy. Kansumalig sa Bayawan City kung saan namataan ang hindi bababa sa 10 suspek.
Matatandaan noong nakaraang taon ng Oktubre 3 inanunsiyo ng Commission on Elections na “nullified ” ang pagkapanalo sa eleksyon ni Henry Teves sa pagkagovernador ng Negros na siyang pinalitan naman ni Degamo.
Si Tevez rin ang kapatid ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves na inalisan ng 12 permit ng baril ng PNP Firearms and Explosives Office matapos malaman na pineke ang mga dokumento nito.