TIMBOG ang tinaguriang No.10 most wanted person carnapper sa lalawigan ng Laguna nitong Sabado bandang alas 2:20 ng Madali n araw sa Governors Drive, Brgy Mabuhay, Carmona Cavite .
Sa ilalim ng pangangasiwa ni Regional Highway Patrol Unit 4A Chief, PCol Rommel Estolano ay matagumpay na naisagawa ang anti-carnapping operation na nagresulta sa pag-aresto ni Jhon Myler Eugenio Solina,23-taong gulang na naninirahan sa Brgy Sabang, Naic, Cavite.
Pinangunahan ng PHPT Laguna sa pangunguna ni PMaj Dante Aquino, Provincial officer ng PHPT Laguna kasama ang Calamba Calamba City Police Station ang paghain ng warrant of arrest sa akusado na kabilang sa listahan ng Rank No. 10 Most Wanted Person ng Laguna PPO (regional level ).
Nahaharap sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 (RA10883)si Solina , na inisyu ni Judge Jude Franco Sta.Maria Jr. Presiding Judge ng RTC Branch 102, Santa Rosa, Laguna noong January 22, 2024 na may rekomendadong piyansang Php300,000.00 .
Ang pagkadakip sa suspek ng RHPU Calabarzon ay resulta ng pinaigting na Anti-Carnapping Operations ng Highway Patrol Group sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Alan Nazarro, CPNP’s Aggressive and Honest Law Enforcement operation laban sa carnapping, highway robbery, at iba pang uri ng kriminalidad sa kalsada.