NATIMBOG ng mga otoridad ang isang wanted na carnapper sa isinagawang operasyon na pinagsanib pwersa ng Regional Highway PatrolUnit 4A , Provincial Highway Patrol Team ng Rizal at Taytay Municipal Station sa Manila East Road Tower Hills Subd. Brgy. Dolores Taytay, Rizal isang araw matapos ang bagong taon.
Arestado ang suspek na si John Carlo Orfalas , 31 anyos na residente ng Blk 117, Lot 41 Phase IIIA Mabuhay Homes Subd. Brgy. Darangan Binangonan, Rizal nang ihain ang warrant of arrest nitong Enero 2, 2024 bandang alas-3 ng hapon.
Kinakaharap ng suspek ang kasong paglabag sa Republic Act 10883 o Carnapping na may Criminal Case No. 20-72859 na inisyu ni Hon.Marie Lynn J. Laborte -Andal Presiding Judge ng RTC Branch 139 Antipolo City na may rekomendadong piyansang PHP 300,000.00.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng PHPT Rizal ang akusado, at dadalhin sa Taytay MPS custodial facilities para sa tamang disposiyon habang inihahanda ang pagbalik niya sa korteng pinagmulan.
Ang matagumpay na operasyon ng RHPU4A ay bunga ng pinaigting na Anti-Carnapping Operations ng Highway Patrol Group sa pamumuno ni PBGen Alan M Nazarro, alinsunod sa Agresibo at Tapat na Operasyon Laban sa Krimen ng PNP laban sa carnapping, highway robbery, at iba pang uri ng kriminalidad sa kalsada