BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad isang miyembro umano ng New Peoples Army at isang gun-for-hire syndicate sa magkahiwalay na operasyon sa Cavite nitong Sabado.
Nabatid ng pulisya ang Most Wanted Person No.1 na si Julito Dacles Jr. alyas Ka Julito,42 anyos na miyembro umano ng NPA na nakabase sa Eastern Samar ,at isang Victor Untalan , 36 anyos na isang miyembro ng gun-for-hire na kabilang sa Number 8 Most Wanted Person ng lalawigang ito.
Nadakip ng pinagsanib pwersa ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) at Regional Intellience Unit 4-A ang dalawang suspek sa kanilang hide-out sa Torres Compound ,Barangay Santol,Tanza at Barangay San Roque sa Naic.
Base sa ulat ng pulisya, si Dacles ay pumaslang sa isang returnee na si alias Pabling Jabulin habang nag-iinuman sa Barangay Himay ,San Jorge Eastern Samar noong Abril 5,2002.Inihain ang kanyang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rosario Bandal ng Regional Trial Court ,Branch 41 noong Pebrero 22,2005 dahil sa kasong murder.
Habang si Untalan naman ay itinuturong pumaslang sa Pangasinan parole officer ng Rosales, Pangasinan na si Mary Alcalde Romua noong papauwi ng kanyang bahay taong 2015.
Itinuturo rin siyang responsible sa pagpatay sa barangay kagawad na si Jimmy de Luna noong 2018.Ang dalawang MWP ay nasa kustodiya na ng Cavite Police na walang inirekomendang piyansa sa kanila.