PANSAMANTALANG suspendido ng tatlong araw ang number coding scheme sa buong Metro Manila sa darating na linggo.
Kaugnay nito ang gaganaping Barangay at Sanguniang Kabataan elections(BSKe) sa Oktubre 30 , Nobyembre 1 (All Saints’ Day) at Nobyembre 2 (All Souls’ day).
Ayon sa MMDA , “Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa mga susunod na araw na ideneklara bilang special non-working days’.
Ipinatutupad ang regular na number coding tuwing rush hour mula 7:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga at mula alas 5 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi .
Ipinagbabawal tumakbo sa kalsada ang mga saksakyang nagtatapos ang plate no sa 1 at 2 tuwing araw ng Lunes, 3 at 4 sa araw ng Martes, 5 at 6 Miyerkules , 7 at 8 Huwebes at 9 at 0 kung Biyernes .