Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado sa manhunt operation ng Calauan Municipal Police Station (MPS) noong ika-15 ng Agosto ang isang Overseas Filipino Worker sa paglabag sa Batasang Pambansa (BP) 22 o Bouncing Checks Law na 20 counts.
Kinilala ni Police Harold Depositar ang akusado na si alias Mark, OFW, at nakatira sa Calauan, Laguna.
Ayon sa ulat ni PLt Col Philip Toquero Aguilar , nahuli ang akusado sa isinagawa ng kapulisan ng Calauan MPS na manhunt operation sa ganap na 9:15 ng umaga sa Brgy. Lamot 2, Calauan, Laguna sa bisa ng warrant of arrest na nilabas ng Metropolitan Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 4 Manila, sa paglabag sa BP 22 (10 counts).
Ang akusado ay isang OFW at ilang araw minanmanan ng mga kapulisan ngunit nang makatanggap sila ng impormasyon na nakauwi na ang akusado ay agad itong pinuntahan sa lokasyon nito upang ihain ang warrant.
Pansamantalang nasa kustodiya ng Calauan MPS si alyas Mark habang ang korte na naglabas ng warrant ay iimpormahan sa kanyang pagkaaresto.
Sa pahayag ni Laguna Police Provincial Officer-in-Charge PColHarold Depositar , “Pinaparangalan ko ang Calauan MPS sa operasyon na ito. Mas pinapalakas pa namin ang manhunt operations sa aming nasasakupan lalo na ngayong papalapit ang eleksyon.”