UMABOT na sa lalawigan ng Batangas ang 800,000 litro ng kaya naman puspusan na ang lokal na pamahalaan sa baybayin nito matapos ang tatlong linggong pagtagas ng langis mula sa lumubog na MT Princess Empress sa karagatan ng Oriental Mindoro
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), lubhang nakaapekto ang direksyon ng hangin sa karagatan sa patuloy na pagkalat ng langis na umabot na hanggang sa Isla Verde na sakop ng Batangas City.
Ayon sa University of the Philippines Marine Science Institute, patuloy pa rin ang pagsuka ng langis mula sa lumubog na MT Princess Empress, batay sa pinakahuling satellite image na nakalap ng naturang grupo.
“Westward currents along the coast of northern Mindoro towards the Verde Island Passage are forecasted to be more pronounced for this period. The Amihan winds, which contained most of the oil to the coasts of Nauhan and Pola in the previous weeks, are now more variable, allowing the oil to spread northwards,” ayon sa abiso ng UP-MSI.
Sapul na rin ng perwisyong dala ng MT Princess Empress ng mga baybaying barangay sa Calapan – kabilang ang sikat na pasyalan – ang Puerto Galera.
Ayon kay Calapan City administrator Atty. Reymond Al Ussam, dalawang barangay ng kanilang lungsod ang apektado na rin ng oil spill mula pa noong nakaraang linggo.
Gayunpaman, wala pang abiso kung ipagbabawal muna ang pangingisda sa mga karagatang apektado ng pagkalat ng langis.
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), kabilang rin sa mga apektado ang Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Antique at Palawan — mga lalawigang higit na kilala sa turismo.