
Naninindigan si Department of Interior and Local Government DILG Sec.Eduardo Año sa mga nambabatikos sa kanyang isinasagawang pagbabaklas ng mga campaign posters ng mga kandidato sa mga pribadong istraktura at establisyemento.
Pinasasabihan ni Año sa Commission on Elections (Comelec) ang mga tanggapan ng mga kandidato tatlong araw bago umpisahan ang pagbabaklas ng mga posters .
“Meron naman ding warning. Bago magbaklasan diyan ay sinusulatan ng Comelec yung kung sino yung nandun sa poster para in three days ay baklasin nila,” sambit ng kalihim.
“Ngayon pag hindi pa rin binaklas siyempre mag-action na yung ating Comelec at law enforcement agencies,” dagdag pa ng opisyal kasabay ng panawagan sa mga partido, kandidato at tagasuporta na sundin ang mga itinakdang panuntunan kaugnay ng nalalapit na halalan sa Mayo.
Dagdag pa niya,”Tayo ngayon kasi ay nasa election period. Ang namamayani ngayon yung Omnibus Election Code at dapat susunod tayo diyan,” .
Una nang inakusahan ng ilang grupo ang Comelec ng pagpasok sa mga pribadong pag-aari ng walang permiso ng mga may-ari, bukod pa sa mga patutsada hinggil sa anila’y paglabag sa karapatang makapagpahayag.
Photo courtesy COMELEC fb page