TUMATAGINTING na nagkakahalaga ng P500,000 ang pabuya sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon sa mga pumaslang kay acting barangay captain Mario Jun Cogay sa Barangay Canlubang sa Calamba City.
Ang pabuya ay inalok ni Calamba Mayor Roseller Rizal makaraang mapaslang si Cogay, 65 anyos , na binaril sa harap ng kanyang bahay noong umaga ng Biyernes
Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ang tanggapan ng Criminal Investigation and Detention Group (CIDG)-Calabarzon ng parallel na imbestigasyon kaugnay sa nangyaring pamamaril kung saan isang espesyal na team ang binuo na tututok sa insidente.
Tinitingnan ng mga imbestigador na pulitika ang motibo sa nangyaring pagbaril sa biktima.
Dahil sa oagsasagawa ni Cogay ng isang reshuffle ng mga komite ng mga miyembro ng barangay council at ilang mga empleyado nang siya ay italaga bilang acting barangay captain.
Siya ay itinalaga bilang officer-in-charge habang hinihintay ang pahayag ng nanalong village chief na si Larry Dimayuga, na nahaharap sa kaso ng diskwalipikasyon dahil sa maagang pangangampanya.
Si Cogay ay nanguna sa halalan bilang miyembro ng barangay council noong Oct. 30 barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Si Dimayuga kasama ang iba pang opisyal ng barangay ay kinondena ang pagpatay habang humihingi ng katarungan para kay Cogay.
Top of Form