NATIMBOG ng mga awtoridad ang isang babaeng tulak na may 2,080,800.00 hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit noong gabi ng March 9, 2024 sa Purok Maligaya Brgy. Cotta, Lucena City.
Kinilala ang suspek na si Alyas Ann, tinaguriang High Value Individual, 45-taong gulang at residente ng Purok Matahimik Isla, Lucena City.
Nakuha sa suspek ang 17 plastic sachets ng hinihinalang shabu na may bigat na higit 102 gramo na nagkakahalaga ng Php 2,080,800.00 kasama ang isang shoulder bag at isang weighing scale.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong pagpalabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kaugnay sa matagumpay na operasyon, ayon kay PCol Ledon D Monte , Provincial Director ng Quezon PPO na “Tinitiyak ng Quezon PNP na patuloy ang pinaigting at pinahusay na kampanya kontra ilegal na droga para mapanatili maging ang kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan ng buong lalawigan.