
NASABAT ang nasa P3.8 bilyong halaga o nasa 530 kilograms na hinihinalang shabu ang nakumpiska ng pinasamang pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcwmwnt Agency (PDEA), Bureau of Customs at National Intelligence Coordination Agency (NICA) sa Mexico, Pampanga.
Ang mga kontrabando ay natagpuan sa loob ng warehouse ng Empire 999 Realty Corporation sa Purok 5, San Jose Malino , Mexico City sa Pampanga.
Natunugan ang pagdating ng mga illegal na droga nang mag undercover ang isang agent ng NBI-Task Force Against Illegal Drugs.
Dumating sa bansa ang iligal na droga nitong Setyembre 18 sa Subic Port, Pampanga mula sa Thailand sakay ng barkong Sitc Shekou.
Kumpiskado ang 59 brown boxes na naglalaman ng 530 mixed red tea bags at golden tea bags kung saan nakasilid ang iligal na droga.
Itinago rin sa bawat karton ng plastic bag ng chicharon at tuyong isda para itago ang iligal na droga kasama pa ang mga kahon ng soft drinks o sako ng feeds na may Thai markings.
Ayon kay Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Verne Enciso, kaagad na nag-isyu ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention laban sa shipment dahil sa paglabag sa Sections 118 (g), 119 (d), at 1113 par. (f), (I), at (l)-(3) at (4) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to R.A. No. 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.