AABOT sa P603,382 ang kabuuang halaga ng mga interbensyon na ipinagkaloob ng Department of
Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa pamamagitan ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2)
Program at Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA) noong ika-12 ng Oktubre sa
Antipolo City, Rizal.
Binuo ito ng 1,000 manok at 15 kulungan mula sa BP2 Program, 150 sako ng pakain sa manok mula
sa AMIA, at 400 punla ng kape, cacao, mangga, at ornamental plants mula sa Bureau of Plant
Industry (BPI).
Ang BP2 at AMIA ay kabilang sa mga programa ng Kagawaran na nakatuon sa pagpapaunlad ng
sektor ng agrikultura at pagpapatatag nito laban sa nagbabagong panahon bilang suporta sa
kabuhayan ng mga mamamayan sa komunidad lalo na sa mga nagbabalik-probinsya.
Ilan sa mga Farmers Cooperatives and Associations (FCA) na nakatanggap ay ang Tulungan sa
Kabuhayan ng Calawis Inc., Bunsuran Calawis Women’s League, Calawis Punlaang Bayan Inc., Calawis
Agriculural Cooperative, San Joseph Free Farmers Association Inc., San Joseph Punlaang Bayan Agro
Reforestry Association, Marikina Watershed Kaysakat Association, at APIA United Farmers
Association Inc.
Bilang pasasalamat ay nangako si Rowena Millare na pangulo ng San Joseph Free Farmers
Association Inc. na sisiguruhing magiging ehemplo ang kanilang samahan sa pangangalaga ng mga
ibinigay ng DA, partikular ang mga naiuwi nilang katutubong manok.
Samantala, ang naturang pamamahagi ay pinangunahan ni DA-4A Planning, Monitoring and
Evaluation Division Chief at BP2 at AMIA Focal Person Ma. Cecilia Ella Obligado kasama ang iba pang
kawani ng Kagawaran.