MISTULANG kinunsinti pa ng isang trade association ng mga international shipping lines ang mga panukala mula sa Department of Transportation (DOTr) kung paano haharapin ang matagal na isyu sa container deposits at sinabi na ang mga solusyon na inaalok ng ahensya ay mas mahusay kaysa sa mga hakbang na iminungkahi ng Philippine Port Authority (PPA) o ng pantalan.
Ang ginawang hakbang ni DOTr Secretary Jaime Bautista na hikayatin at i-endorso pa umano sa mga international shipping lines na mag-subscribe sa Container Ledger Account (CLA) ay salungat sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isulong ang domestic technology .
Ayon sa source sa kalakalan at logistic, ang hakbang ng DOTr ay malinaw na pagsalungat sa kautusan ni Pangulong Marcos dahil sa pag-subscribe sa CLA na umanoy isang “tacit admission” ng problema na kinasasangkutan ng container deposit scheme.
Giit pa ng source, kaya pinaboran ng Association of International Shipping Lines (AISL) ang CLA ay dahil isang grupo lamang ang nasa likod nito.
Sa halip aniyang paboran ang proposed cargo container tracking system ng PPA ang Trusted Operator Program-Container Registry and Monitoring System (TOP-CRMS) ay ang kumpanya pa sa ibang bansa ang inendorso ni Bautista dahilan upang posibleng sumabit siya sa kasong graft.
Nakapagtataka ang mga naging hakbang ng DOTr gayung hindi umano valid na mag-isyu ng utos ito para pagtibayin ang CLA dahil mayroon lamang direct line supervision ang office of the secretary at kontrol sa mga regional offices ng departamento.
Sa Section 6 ng Presidential Decre No. 857, ang PPA ay dapat mangasiwa, magkontrol, mag-regulate, magtayo, magpanatili, magpatakbo, at magbigay sa ilalim ng mga pasilidad o pagmamay-ari ng serbisyo.