
NAGING kapansin-pansin nitong unang buwan ng taong 2023 ang pagtaas ng bilang ng mga lumalabag sa batas na nagbabawal sa mga undercapacity motorcycles na pumapasok sa mga expressways .
Base sa talaan, tumaas sa 273 ang bilang ng mga motoristang nasita ng mga awtoridad sa mga entry points — higit na mataas ito ng 295% kung ikukumpara sa 69 motoristang naitala sa kaparehas na petsa ng nakalipas na taon. Sa kabila ng kapansin-pansin na “Prohibited on Expressway” signage na naka-lagay sa mga entry points, 83% ng mga nasitang motorista ang nagsabing sila ay ‘naligaw’ lamang.
Kaya naman , nagpaalala ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), na sundin ang Limited Access Facility Act (Republic Act 2000), na siyang nagbabawal sa mga motorsiklong may mas mababa sa 400cc engine displacement na makapasok sa mga expressways, kabilang ang Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), ang CAVITEX C5 Link Segment nito, at sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX).
“Motorcycle usage experienced an uptick in 2020 when our country succumbed to the Covid-19 pandemic, and we do recognize the benefits that this development has brought – both in ride-sharing and logistics services. A reminder to our motorcycle community that CAVITEX and CALAX are declared by the DOTr through their Department Order (D.O) 2007-15 DESIGNATION AND DECLARATION OF ALL EXPRESSWAYS AS LIMITED ACCESS FACILITIES, and as such will only allow Motorcycles 400cc and above. Expressways are high-speed road facilities and we aim for all our motorists to be safe while using our network of tollroads, we encourage them to follow the signs and speed limits,” ani Mr. Raul L. Ignacio, Presidente ng MPT South.
Inabisuhan ng toll road company ang mga motoristang nagmamaneho ng mas mababa sa 400cc na motorsiklo na gamitin ang ‘two-wheeler’ o ‘motorcycle’ mode kung gagamit ng mga GPS navigation app sa kanilang biyahe. Mapipigilan nito ang pagturo sa pagdaaan sa mga expressway patungo sa kani-kanilang destinasyon.
“Aside from intensifying our security and traffic operations, we will continue to reach and educate drivers thru our ‘Drayberks’ road safety seminar that will roll out in selected communities of NCR and CALABARZON this Q1 of 2023,” dagdag pa ni Ignacio.
Ang Drayberks ay isang award-winning social advocacy ng MPT South na nagtuturo sa iba’t-ibang motorista ng road safety at nagbibigay rin ito ng kaalaman patungkol sa RA 2000 o Limited Access Facility Act. Simula pa taong 2018 ay patuloy na ang Drayberks sa pag tapik sa mga key stakeholders at mga transport groups para makapagbahagi ng impormasyon sa mga motorista na mahalaga sa pagsiguro ng kaligtasan sa daan.
Bukod sa under-capacity motorcycles, ipinagbabawal rin sa bisa ng R.A 2000 ang pagpasok ng mga tricycle, bicycle, overloaded, oversized, at dilapidated vehicle, at maging ang pedestrian sa loob ng expressway. Ang sinumang lalabag sa batas ay mapapatawan ng karampatang parusa.
Ang MPTC ay ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC). Ito ang pinakamalaking toll road developer at operator sa bansa. Bukod sa CALAX at CAVITEX, hawak rin nito ang concession para sa North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu